Stranded na pasahero sa mga pantalan, umabot na sa halos 4,000

FILE PHOTOUmakyat sa halos 4,000 ang bilang ng mga stranded na mga pasahero sa iba’t ibang pantalan ng bansa dulot ng bagyong Lawin.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo kabuuang 3,540 ang bilang ng mga stranded passengers sa buong bansa.

Mayroon naman aniyang 328 rolling cargoes, 33 vessels, at 79 motorbanca na kasama sa stranded.

Ang mga stranded na pasahero ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:

Southern Tagalog
Passengers- 1,486
Rolling cargoes- 279
Vessels- 21
Motorbanca- 36

Western Visayas
Passengers- 1,312
Vessel- 1

Bicol
Passengers – 704
Rolling Cargoes – 49
Vessels -11
Motorbanca- 31

North Eastern Luzon
Passengers – 38
Motorbanca – 12

Pinaalalahanan naman ng coast guard ang kanilang mga tauhan na mahigpit na ipatupad ang ipinapairal na guidelines tuwing masama ang panahon.

 

 

Read more...