2 ang patay sa Isabela dahil sa bagyong Lawin

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2016 - 07:54 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Dalawa na ang naitalang nasawi sa lalawigan ng Isabela sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lawin.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi dating National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at ngayon ay consultant ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na si Benito Ramos, isang 70-anyos na inatake sa puso habang siya ay nasa evacuation center.

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Isa pang nasawi ay isang CAFGU na naka-duty at ginagampanan ang tungkulin nang siya ay tamaan ng debris sa kasagsagan ng kalakasan ng hangin at pag-ulan.

Sinabi ni Ramos na magdamag na binayo ng bagyong Lawin ang Isabela.

Patuloy ngayon ang paglilinis sa national highway ng Isabela dahil maraming puno ang at poste ang nagbagsakan.

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Ani Ramos, mula Tuguegarao City hanggang sa southern portion ng Isabela ay kinakailangan na i-clear ang lansangan.

Samantala ayon kay Ramos, walong tulay na tumatawid sa Cagayan River ang lubog ngayon sa tubig dahil sa pag-apaw ng ilog.

Posible naman aniyang abutin ng dalawa hanggang tatlong araw bago tuluyang maalis sa kalsada ang mga nakahambalang na kahoy at poste.

Katuwang ng PDRRMO ang mga pulis at tauhan ng military sa paglagari ng mga naglalakihang kahoy na nagtumbahan.

 

TAGS: Typhoon Lawin aftermath, Typhoon Lawin aftermath

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.