Orange Rainfall Warning nakataas sa dalawang lalawigan sa Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2016 - 06:19 AM

Orange Rainfall WarningDahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng bagyong Lawin, nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA alas 6:00 ng umaga, orange warning level ang nakataas sa Nueva Ecija at Tarlac.

Ayon sa PAGASA malaki ang tsansa ng pagbaha sa nabanggit na mga lalawigan.

Samantala, yellow warning level naman ang umiiral sa Zambales, Pampanga at Bulacan at nagbabala ang PAGASA ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Light hanggang moderate na pag-ulan naman ang makaka-apekto sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, BAtangas, Rizal at Quezon sa susunod na tatlong oras.

Mamayang alas 9:00 ng umaga ay muling magpapalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.

 

TAGS: Orange Rainfall Warning raised in Nueva Ecija and Tarlac, yellow rainfall warning raised in Zambales Pampanga at Bulacan, Orange Rainfall Warning raised in Nueva Ecija and Tarlac, yellow rainfall warning raised in Zambales Pampanga at Bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.