WATCH: Cagayan at Isabela, at iba pang lalawigan sa Northern Luzon, binayo ng bagyong Lawin

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2016 - 06:14 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Naramdaman ang napakalakas na ihip ng hangin sa lalawigan ng Isabela at Cagayan simula kagabi.

Bago tumama sa kalupaan ng Peñablanca Cagayan kagabi, humahagupit na ang malakas na hangin sa mga lalawigan sa Norte.

Sa mga kuhang video ng netizens na nai-upload sa Facebook at Twitter, sa Tuguegarao, dinig na dinig ang tunog ng hangin ng bagyong Lawin kahit pa nasa loob ng hotel ang kumukuha ng video.

Tila sigaw o hiyaw ng tao ang tunog ng hangin ng bagyo habang ito ay humahagupit kagabi.

Samantala ngayong umaga, magsisimula nang magsagawa ng assessment sa naging epekto ng bagyo ang mga lokal na pamahalaan na naapektuhan ng Lawin.

 

TAGS: effect of typhoon lawin, effect of typhoon lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.