Mayor Rex Gatchalian, sinampahan ng kasong kriminal dahil sa Kentex fire

By Kabie Aenlle October 20, 2016 - 04:15 AM

 

KentexNahaharap na ngayon sa mga kasong kriminal na graft at reckless imprudence resulting in multiple homicide and miltiple physical injury si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Isinampa ito ng Office of the Ombudsman laban kay Gatchalian kaugnay ng malaking sunog na naganap sa pabrika ng Kentex Manufacturing Inc. sa Valenzuela City noong 2015 kung saan 74 katao ang nasawi.

Nakasuhan rin ng graft sina Kentex general manager at treasurer Ong King Guan, Business Permits and Licensing Office officer-in-charge Renchi May Padayao at licensing officer Eduardo Carreon.

Reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injudry naman ang isinampang kaso laban kina fire marshal Mel Jose Lagan, Senior Insp. Edgrover Oculam at fire safety inspectors Rolando Avendan at Ramon Maderazo.

Ayon sa Ombudsman, may kapabayaan sa panig nina Gatchalian at ng mga opisyal nang bigyan nila ng permit ang Kentex kahit na hindi ito nakakuha ng Fire Safety Inspection Certificate noong 2014.

Hindi rin umano kinansela ng mga opisyal ang permit ng pabrika sa kabila ng kabiguan ng kumpanya na magsumite ng mga kaukulang dokumento.

Dagdag pa ng Ombudsman, hinayaan lang ng mga opisyal na magpatuloy ang operasyon ng Kentex sa kabila ng mapanganib na kondisyon at kawalan ng mga precautionary fire safety measures na inaasahang makakasalba ng buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.