Marahas na dispersal sa mga militante sa Maynila, iimbestigahan ng PNP

By Kabie Aenlle October 20, 2016 - 04:23 AM

 

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Inatasan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring marahas na dispersal sa mga rallyista sa harap ng US Embassy sa Maynila kahapon.

Layon ng isasagawang imbestigasyon na alamin kung sinu-sino ang mga dapat managot sa naganap na insidente, kung saan tatlong militante ang nasugatan.

Matatandaang kabilang sa mga insidenteng naganap sa marahas na dispersal ay ang umano’y pagsagasa o pag-araro ng isang sasakyan ng pulisya sa mga nagra-rally.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng PNP na hinahabi na nila ang mga impormasyong mayroon sila kaugnay sa insidenteng naganap sa pagitan ng mga pulis Maynila at mga aktibista kahapon.

Tiniyak rin ng PNP sa publiko na tutukuyin nila ang lahat ng mga may pananagutan sa magkabilang panig, at na nabigyan ng atensyong medikal ang mga nasugatan sa pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.