Ilang flights patungong Northern Luzon, kanselado na ngayong araw

By Jay Dones October 20, 2016 - 04:26 AM

 

PAL CEBUPACKanselado na ang byahe ng mga eroplano ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific (CebPac) para sa araw na ito, October 20, sa ilang lugar mula Maynila patungong Hilagang Luzon.

Ang kanselasyon ay resulta pa rin ng masamang panahon dulot ng super bagyong ‘Lawin’ na nanalasa sa Northern Luzon nitong magdamag.

Ayon sa advisory ng Manila International Airport Authority ng NAIA, kabilang sa mga apektadong byahe ay ang:

PAL:

PR2014 Manila-Tuguegarao
PR2015 Tuguegarao-Manila
PR2084 Manila-Basco
PR2085 Basco-Manila
PR2196 Manila-Laoag
PR2197 Laoag-Manila

CebPac:

5J196/197 Manila-Cauayan-Manila
5J504/505 Manila-Tuguegarao-Manila
5J506/507 Manila-Tuguegarao-Manila

Sa mga apektadong pasahero inaabisuhang makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng kanilang mga flight carrier upang makapag-rebook o di kaya ay magpa-refund ng kanilang tiket.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.