DepEd, nag-sorry sa sablay na ‘tweet’ ukol sa class supension

By Jay Dones October 20, 2016 - 04:25 AM

 

deped logoHumingi na ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) sa maling tweet na nagsasabing kanselado na ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila bukas.

May kaugnayan ang paghingi ng paumanhin ng Kagawaran sa pagkalat ng anunsyo sa Twitter na kanselado na ang klase sa Metro Manila dulot ng bagyong ‘Lawin’ ngunit kalaunan ay inalis din nito.

Gayunman, marami nang nag-retweet ng naturang anunsyo kaya’t mabilis itong kumalat.

Sa isang statement, ipinaliwanag ng Kagawaran na sa layuning mabilis na maipakalat ang impormasyon kaugnay sa bagyo at mga kanselasyon ng klase, nai-tweet ng DepEd ang isang anunsyo na nagmula sa isang fake account na nagpapanggap bilang isang lehitimong government agency.

Nang mabatid ng Kagawaran ang maling anunsyo, agad din itong binura ngunit mabilis na itong kumalat sa social media.

Kasabay ng paghingi ng paumanhin, hiniling ng DepEd sa publiko na iwasang magpakalat ng mga malisyoso o maling mga anunsyo ukol sa mga kanselasyon ng klase.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.