Bagyong Lawin napanatili ang lakas habang papalapit sa Cagayan Valley

By Den Macaranas October 19, 2016 - 08:48 PM

Lawin4
Pagasa

Napanatili ng bagyong Lawin ang kanyang lakas habang siya’y papalapit sa Cagayan-Isabela area.

Sa 8PM weather bulletin na inilabas ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Lawin sa layong 200 kilometro sa Tmog-Silangan ng Tuguegarao City.

Taglay pa rin ni Lawin ang lakas na 225 kph, pagbugsong umaabot sa 315 kph at bilis na 25 kilometro kada oras.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 5 sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Kalinga, Apayao pati na rin sa Ilocos Norte.

Signal number 4 sa Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao and Calayan Group of Islands.

Nakataas ang signal number 3 sa mga sumusunod na lalawigan: La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Signal number 2 sa Batanes Group of Islands, Pangasinan, bahagi ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Zambales at Northern Quezon kabilang ang Polillo Islands.

Samantalang nakataas naman ang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Zambales,  Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, bahagi ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pagasa forecaster Shelley Ignacio na mararanasana ng malakas na buhos ng ulan at ihip ng hangin sa mga lalawigang nasa ilalim ng signal number 4 at 5 sa pagitan ng alas-onse ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling-araw.

TAGS: cagayan valley, lawin, Pagasa, signal number 5, cagayan valley, lawin, Pagasa, signal number 5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.