Super typhoon Lawin isang “delubyo” ayon sa PAGASA

By Den Macaranas October 19, 2016 - 05:29 PM

Lawin3
Pagasa

Isinalarawan ni Pagasa senior weather forcaster Aldczar Aurelio na maikukumpara sa isang “delubyo” ang inaasahang epekto ng bagyong Lawin sa ating bansa.

Nagbabala rin si Aurelio sa mga lalawigan na kasalukuyang binabayo ng bagyo na maghanda dahil simula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ay inaasahan ang malakas na buhos ng ulan na sasabayan pa ng malakas na ihip ng hangin.

Sa kanilang weather bulletin na inilabas kaninang alas-singko ng hapon, ang bagyong Lawin ay huling namataan sa layong 275 kilometers sa Silangan, Timog-Silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Sinabi ni Aurelio na pwede na itong maikumpara sa bagyong Yolanda dahil sa lawak ng kanyang sakop na mga lugar, lakas ng hangin at dami ng tubig na dala ng bagyo.

Taglay pa rin ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 275 kph, pagbugsong umaabot sa 315 kph at bilis na 25 kilometers per hour.

Bukod sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, nakataas na rin ngayon ang signal number 5 sa Kalinga at Apayao.

Signal number 4 sa Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands.

Nakataas ang signal number 3 sa mga lalawigan ng La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Signal number 2 sa mga lalawigan ng Batanes Group of Islands, Pangasinan, natitirang bahagi ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Zambales at Northern Quezon kasama ang Polillo Islands.

Nasa signal number 1 naman ang  bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, Rest of Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.

Habang papalapit ang pagsapit ng gabi, nagbigay babala ang Pagasa sa mga nakatira sa mga low-lying areas na magsilikas na dahil sa inaasahang storm surge at biglaang pagtaas ng tubig-baha

TAGS: delubyo, lawin, Pagasa, yolanda, delubyo, lawin, Pagasa, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.