PNP nagdeploy ng dagdag na mga tauhan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo

By Ruel Perez October 19, 2016 - 04:13 PM

PNP floods
Inquirer file photo

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa paghagupit ng bagyong Lawin.

Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, may ugnayan na ang mga local disaster risk reduction and management council at PNP para sa anumang ayuda na maibibigay ng pambansang pulisya.

Kaugnay nito, nakadeploy na rin umano ang search and rescue teams ng PNP sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.

Giit pa ni Carlos, tutulong din ang PNP sa mga local government units para sa paglilikas sa mga residenteng nasa lugar na daraanan ng bagyong Lawin.

Bukod sa search and rescue, tutulong din ang mga pulis sa paghahatid ng relief goods sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

TAGS: Floods, lawin, PNP, Floods, lawin, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.