Force evacuation ipatutupad na sa mga lugar sa ilalim ng signal number 5

By Den Macaranas October 19, 2016 - 03:50 PM

Floods1
Inquirer file photo

Ipinag-utos na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang force evacuation para sa mga nakatira sa mga low-lying areas sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 4 at 5 ng super typhoon Lawin.

Ipinaliwanag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na kailangan ang mandatory evacuation para maiwasan ang kapahamakan para sa publiko.

Base sa kanilang pakikipag ugnayan sa Pagasa, sinabi ni Jalad na mas mararamdaman mamayang gabi ang hagupit ng bagyong Lawin sa malaking bahagi ng Luzon partikular na sa mga lalawigan sa Ilocos Region at Cagayan Valley.

Habang may araw pa ay inatasan na ng opisyal ang mga Officer of the Civil Defense sa Region 1 at 2 na magsagawa ng mabilisang evacuation para sa apektadong mga residente.

Samantala, sinabi naman ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo na nakahanda na ang mga provincial at regional officer ng DSWD para sa mabilisang pamamahagi ng mga relief goods sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

Mula pa noong bagyong Karen ay naka pre-positioned na ang kanilang mga tauhan sa mga lugar na posibleng bahain dulot ng mga pag-ulan.

TAGS: Bagyo, karen, lawin, ndrrmc, Bagyo, karen, lawin, ndrrmc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.