Mga daan na sinira ng bagyong Karen sa Northern Luzon sarado pa rin sa trapiko

By Angellic Jordan October 19, 2016 - 03:42 PM

Karen baguio
Inquirer file photo

Bagama’t nakalabas na ng bansa ang bagyong Karen, nananatiling sarado ang siyam na kalsada sa anumang uri ng sasakyan sa mga lugar na tinamaan ng hagupit ng naturang bagyo.

Hindi pa rin madadaanan ang ilang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Region 2 at Region 3 dahil sa naranasang pagbaha, pagguho ng lupa, nagbagsakang mga bato, puno at poste ng kuryente.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Public Works and Highways Bureau of Maintenance, not passable pa din sa CAR ang Kiangan-Tinoc-Buguia sa Boundary Road, Numbukul, Kiangan at Banaue-Mayoyao-Alfonso malapit sa Lista-Isabela Boundary Road.

Sira din ang ilang bahagi ng national road sa Poblacion, Mapawoy, Mayoyao sa Ifugao, Balbalan-Pinukpuk Road, at Lubuangan-Batong Buhay Road sa Barangay Agavama sa lalawigan ng Kalinga.

Sarado din sa Region 2 ang Basco-Mahatao-Ivana-Uyugan-Imnajbu Road sa bahagi ng Batanes at Cabagan-Sta. Maria sa Isabela dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.

Kabilang din sa mga saradong lansangan sa Dinadiawan-Madela Road, Nueva Ecija Aurora Road at Labi bridge sa bahagi ng Barangay Labi sa Bongabon, Nueva Ecija sa Region 3.

Kaugnay nito, pinakilos na ng DPWH ang kanilang maintenance team upang malinis ang mga nasabing mga lansangan.

TAGS: baguio, DPWH, karen, baguio, DPWH, karen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.