Signal number 5 ng bagyong Lawin itinaas sa Isabela at Cagayan

By Den Macaranas October 19, 2016 - 03:06 PM

Lawin2
Pagasa

Isinailalim na sa typhoon signal number 5 ang mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Ipinaliwanag ni Aldczar Aurelio, Senior Weather Forecaster ng Pagasa na huling namataan ang bagyong lawin 385 Kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 225 kph, pagbugsong 355 kph at isa na itong “super typhoon”.

“Kapag umabot sa 221 kph ang lakas ng bagyong Lawin ay iaakyat na po namin ang typhoon signal number”, pahayag ni Aurelio.

Sa kasalukuyan ay nasa signal number 4 ang mga sumusunod na lalawigan: Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands.

Signal number 3 sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino and Northern Aurora.

Nakataas na ang signal number 2 sa Batanes Group of Islands, Pangasinan, natitirang bahagi ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Zambales, at Northern Quezon kasama ang Polillo Islands.

Signal number 1 naman ang nakataas sa Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, Rest of Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila

Nauna nang sinabi ng Pagasa na umaabot sa 700-kilometer ang kabuuang dimeter ng bagyo kaya malaki ang sakop nitong lugar.

TAGS: haiman, lawin, Pagasa, signal number 5, super typhoon, haiman, lawin, Pagasa, signal number 5, super typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.