Mas marami pang bangkay, nadiskubre sa sinalakay na punerarya sa QC

By Rohanisa Abbas October 19, 2016 - 12:09 PM

Inquirer Photo - Jhesset Enano
Inquirer Photo – Jhesset Enano

Maaaring umabot sa 200 ang mga naaagnas na bangkay sa isang punerarya sa La Loma, Quezon City.

Nauna nang nadiskubre ng City Health Department ang 50 bangkay noong Biyernes at 70 bangkay kahapon sa Henry Memorial Services.

At ngayong umaga, may nakita pang hindi bababa sa 20 pang katawan ng tao.

Ang nasabing mga bangkay ay natagpuan sa imbakan ng punerarya.

Isinilid ang dalawa hanggang tatlong bangkay sa isang cadaver bag.

Ayon sa City Health Department, may mga indikasyon ang ilan sa mga ito na maaaring na-dissect at ginamit sila pag-aaral.

Kukumpirmahin pa ng mga opisyal kung ang mga bangkay ay mga napatay na suspek ng iligal na droga kaugnay sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Hinahanap pa rin ng mga otoridad ang may-ari ng punerarya na si Oscar Perales na lumabag sa business ethics at Sanitation Code.

Ililibing naman sa pamamagitan ng mass burial sa Novaliches public cemetery ang mga bangkay.

 

TAGS: Henry Memorial Services, Henry Memorial Services

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.