Signal number 4 itinaas na ng PAGASA sa Cagayan at Isabela; bagyong Lawin patuloy na lumalakas
Patuloy sa paglakas ang bagyong Lawin at inaasahang idedeklara ng PAGASA bilang isang super typhoon sa susunod na mga oras.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 385km East ng Casiguran Aurora.
Taglay na nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 220 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 305 kilometers kada oras.
Napanatili naman nito ang kilos sa bilis na 26 kilometers kada oras sa direksyong West Northwest.
Dahil sa paglakas ng bagyo itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal #4
Southern Cagayan
Isabela
Signal #3
Rest of Cagayan
Apayao
Ilocos Sur
Mt. Province
Ifugao
Quirino
Norther Aurora
Signal #2:
Calayan Group of Islands
La Union
Benguet
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Nueva Ecija
Rest of Aurora
Tarlac
Signal #1:
Batanes Group of Islands
Zambales
Pampanga
Bulacan
Bataan
Northern Quezon including Polillo Islands
Metro Manila
Rizal
Cavite
Laguna
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Ayon sa PAGASA bukas, araw ng Huwebes, maghahatid ng moderate hanggang sa intense na pag-ulan ang bagyong Lawin sa Northern Luzon na marring magdulot ng pagbaha at landslides.
Mamayang hapon, posibleng itaas naman ang signal number 5 sa Cagayan at Isabela.
Bago ang landfall nito sa Cagayan-Isabela area sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 2:00 ng madaling araw bukas, ay maaring lumakas bilang super typhoon ang bagyo.
.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.