Forced evacuation sa 10 bayan sa Isabela, iniutos na
Nagpatupad na ng forced evacuation sa sampung bayan sa lalawigan ng Isabela dahil sa inaasahang magiging epekto ng bagyong Lawin.
Batay sa utos ni Gov. Faustino Dy ng Isabela, sampung bayan na pawang nasa baybaying dagat ang sakop ng kautusan para sa pagsasagawa ng forced evacuation.
Kabilang sa mga pinalilikas na ang mga residente sa Dinapigue, Palanan at Divilican gayundin ang mga nakatira sa Maconacon, Cabagan, Tumauini, Sto. Tomas, Sta. Maria at Ilagan.
Ayon kay dating NDRRMC Executive Director Benito Ramos, “preparing for the worst” ang ginagawang hakbang ngayon sa lalawigan ng Isabela.
Si Ramos ay umaaktong consultant ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng nasabing lalawigan.
Sa ngayon, ayon kay Ramos, naka full alert na ang lahat ng emergency services at security forces sa Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.