State of calamity idineklara sa Baler, Aurora

 

Inquirer file photo/Lando

Umabot na sa mahigit P60 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ang iniwan ng bagyong Karen sa Baler, Aurora.

Dahil dito, nagdesisyon na ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) na magdeklara na ng state of calamity sa nasabing bayan.

Ayon kay LDRRMO chief Gabriel Llave, nasa P60 milyon na ngayon ang naitalang pinsala sa agrikultura sa Baler habang P1.7 milyon naman sa imprastraktura.

Isa pa sa problema ng bayan ng Baler ay ang kawalan pa rin ng kuryente sa kanilang lugar na sanhi rin ng problema sa komunikasyon na labis na kailangan sa panahon ng sakuna.

Ngayon naman ay naghahanda na rin ang kanilang bayan sa hagupit ng bagyong Lawin na inaasahang magiging mapaminsala.

Read more...