Umano’y pusher patay matapos umanong manlaban sa pulis

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang hinihinalang pusher matapos na manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District Station 7 sa Tondo, Manila.

Kinilala ang nasawing suspek na si Rizaldy Alvarez, na kabilang sa watchlist ng Bgy. 226.

Lumalabas sa imbestigasyon nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga pulis sa suspek sa bahay nito sa Almeda St. malapit sa  Yuseco, Jose Abad Santos, Manila.

Nakatunog ang suspek na pulis ang ka-transaksyon niya kaya’t nanlaban ito hanggang sa mauwi sa barilan na ikinasawi ng suspek.

Ayon kay kagawad Zammy Cabantog, sumuko na umano ang suspek pero tuloy pa rin sa pagbebenta ng bawal na gamot.

Nakuha sa crime scene ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at isang caliber 38 na baril.

Read more...