Bilis ng hangin ng bagyong ‘Lawin’ nasa 195 kph na; Signal #2, nakataas sa tatlong lugar

 

Lalo pang lumalakas ang bagyong ‘Lawin’ habang papalapit sa Northern Luzon.

Sa 11 PM update ng Pagasa, umaabot na sa 195 kilometers per hour ang lakas ng hangin na dala ng bagyo mula sa 185 kph na naitala Martes ng hapon.

Nasa 240 kilometers per hour naman ang ‘gustiness’ o pagbugso ng hangin ng bagyo mula sa 230 kph kahapon.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 755 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Cagayan region sa Huwebes ng umaga at tatawirin ang mga lalawigan ng Apayao at Ilocos Norte.

Sa kasalukuyan, nakataas na ang Public Storm Warning Signal number 2 ang mga lalawigan ng:

-Cagayan,
-Isabela at;
-Northern Aurora.

Signal number 1 naman ang nakataas sa:

-Ilocos Norte,
-Apayao,
-Cagayan kabilang na ang Calayan group of Islands,
-Batanes group of Islands,
-Isabela,
-Kalinga,
-Abra,
-Ilocos Sur,
-Mt. Province,
-Ifugao,
-Quirino,
-Nueva Vizcaya,
-Benguet,
-La Union,
-Aurora,
-Nueva Ecija,
-Pangasinan,
-Catanduanes at;
-Polillo Islands.

Read more...