Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa China dakong alas-8:05 ng gabi ng Martes, para sa kaniyang apat na araw na state visit doon.
Umalis si Pangulong Duterte sa Brunei sakay ng presidential plane ganap na alas-3:05 ng hapon, kasama ang kaniyang entourage.
Kabilang sa kaniyang entourage ay sina Presidential Adviser for the Peace Process Jesus Dureza, Presidential Economic Adviser Ramon Jacinto, Trade Secretary Ramon Lopez, Finance Secretary Carlos Dominguez, Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Sen. Alan Peter Cayetano, Taguig Mayor Lani Cayetano, Abul Khayr Alonto, Special Assistant to the President Christopher Go at si Chief Legal Counsel Salvador Panelo.
Pagkadating ng pangulo sa Beijing, agad siyang nag-check in sa Grand Hyatt Hotel kung saan din mamamalagi ang karamihan sa mga opisyal at business delegates.
Matatandaang ang target ng pangulo sa kaniyang pagbisita sa China ay makapag-uwi ng mas maraming foreign investments sa Pilipinas.
Tinatayang nasa 450 na negosyanteng mula sa Pilipinas at 400 na negosyanteng mula sa China ang dadalo sa business forum na gaganapin sa Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.