Mga Pinoy mas tiwala sa U.S kesa sa China ayon sa SWS survey
Higit na mas pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy ang U.S kumpara sa China ayon sa pinakahuling trust rating survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS).
Ang survey ay ginawa ng SWS sa pagitan ng September 24 hanggang 27 sa 1,200 respondents na nagmula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Gamit ang +/- 3-percent margin of error, 76-percent ng mga tinanong sa survey o katumabas ng “very good” ang nagsabi na pinagtitiwalaan nila ang U.S, 13-percent ang undecided samantalang 11-percent naman ang may “little trust”.
Ang China naman ay nakakuha ng “bad” rating o katumbas ng -33 percent kung saan -22 percent ang nagbigay ng “much trust” rating, -22 percent ang undecided at 55-percent ang “little trust”.
Kabilang sa mga bansang nakakuha ng mataas na trust ratings ay ang Australia na mayroong 47-percent, Japan na may 34-percent, 16-percent para sa Norway, Netherlands na may 14-percent at 3-percent para sa Taiwan.
Ang survey ay ginawa sa kainitan ng pagbanat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa U.S at European Union at pagpuri naman sa bansang China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
