Bagyong Lawin, lalakas pa ayon sa PAGASA

5PM LAWINNapanatili ng bagyong Lawin ang lakas at bilis nito habang patuloy na lumalapit sa Northern Luzon

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 930 kilometers east ng Tayabas, Quezon.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 185 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 230 kph.

Tatahakin ng bagyong Lawin ang direksyong west northwest sa bilis na 25 kph.

Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Apayao, Cagayan kasama ang Calayan group of Islands, Batanes group of Islands, Isabela, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, Catanduanes at Polillo Islands.

Sa panayam naman ng Radyo Inquirer kay PAGASA weather forecaster Shelly Ignacio, sinabi nito na posibleng mas lumakas pa ang bagyo bago ito tuluyang mag-landfall sa Cagayan sa Huwebes ng umaga.

Kasabay nito, umapela si Ignacio sa publiko na huwag ikumpara ang bagyong Lawin sa bagyong Yolanda dahil hindi sila pareho ng lakas.

Inaasahang lalabas ang bagyong Lawin sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng umaga.

Read more...