China, sinamantala ang kahinaan ng Pilipinas

August 01, 2015 - 04:09 PM

sea-disputeNaniniwala si dating Interior Sec. Raffy Alunan na sinamantala ng China ang pag-alis ng mga US military bases sa bansa kaya nasimulan at natuloy ang reclamation project sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Inquirer 990AM, sinabi ni Alunan na dekada noventa pa nila napansin ang balak ng China sa karagatang sakop ng ating bansa.

Sa isang technology conference na kanyang pinuntahan sa US sa unang bahagi ng dekada noventa, ipinaliwanag diumano ng China ang kanilang vision para mapabilang sa mga makapangyarihang bansa sa daigdig.

Sa isang papupulong naman sa Beijing na dinaluhan din ni Alunan, kanyang sinabi na natatandaan pa nya ng sabihin ng pamahalaang China na magsasagawa sila ng reclamation sa South China Sea particular na sa Mischief Reef para may magamit na silungan ang kanilang mga mangingisda tuwing may bagyo sa karagatan.

Hinala ni Alunan, ginamit lamang ng China ang nasabing mga scenario para sakupin ang bahagi ng karagatan na sakop ng Exclusive Economic Zone ng ating Pilipinas.

Ipinaliwanag rin ng dating opisyal na tiyak naman na hindi rin kikilalanin ng China anuman ang maging tugon ng Arbitral Tribunal sa ating reklamo laban sa pananakop nila sa bahagi ng West Philippine Sea. / Alvin Barcelona

TAGS: alunan, China, West Philippine Sea, alunan, China, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.