Funeraria sa QC ni-raid dahil sa mabahong mga bangkay

By Alvin Barcelona October 18, 2016 - 03:36 PM

QC-city-hall
Inquirer file photo

Problemado ngayon ang Quezon City Hall kung paano idi-dispose ang hindi bababa sa 100 nabubulok na bangkay na nadiskubre sa Henry Funeral Parlor sa sa kanto ng A. Bonifacio at Abao st. sa nasabing lungsod.

Kasunod ito ng follow-up operation ng pinagsamang mga kagawad mula sa Health, Business at Office of the Public Cemetery Administrator ng Quezon City kasama si Barangay Chairman William Macas Chua, kaninang pasado ala una ng hapon.

Nabatid na matagal na inerereklamo ng mga kapitbahay ang nasabing punerarya dahil sa masangsang na amoy na nagmumula dito.

Ayon kay Ramon Matabang, Administrador ng Public Cemetery ng QC, lumalabas sa record ng Quezon City na tatlong taon nang paso ang business at health permit ng Henry Funeral Parlor.

May order na ang City Sanitation Officena idispatsa ang mga nabubulok na bangkay.

Kabilang sa opsyon na ikinukunsidera ang paglilibing sa mga ito sa isang mass grave.

TAGS: bangkay, henry funeral services, quezon city, bangkay, henry funeral services, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.