Mga presong tumestigo kontra kay de Lima may pardon application ayon sa Magdalo

By Isa Avendaño-Umali October 18, 2016 - 03:27 PM

Alejano
Inquirer file photo

Ibinulgar ni Magdalo Patylist Rep. Gary Alejano na lima mula sa labing-dalawang inmates ng New Bilibid Prisons o NB na tumestigo laban kay Senadora Leila de Lima ang may aplikasyon para sa pardon o executive clemency.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Alejano na nakuha niya ang impormasyon matapos sagutin ng Bureau of Corrections o Bucor ang kanyang sulat na nagtatanong kung may aplikasyon ang inmate witnesses para makalaya.

Ayon kay Alejano, bago pa man tumestigo ay matagal nang nakahain ang application for pardon o executive clemency nina Engelberto Durano, Nonilo Arile, Jaime Patcho, Jojo Baligad at Vicente Sy.

Pero giit ni Alejano, dapat aniyang bantayan ito dahil maaaring gamiting reward ang pagpapalaya sa lima kapalit ng pagtestigo laban kay de Lima sa ginawang imbestigasyon ng Kamara sa drug trade sa NBP.

At dahil din umano rito, sinabi ni Alejano na lalong lumakas ang kanyang paniniwala na polluted witnesses ang mga saksi na humarap sa pagsisiyasat ng lupon.

Matatandaang kapwa itinuro ng limang NBP inmates si de Lima na nangalap umano ng drug money sa pamamagitan ng mga security aide nito na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez.

TAGS: alejano, de lima, magdalo, NBP, alejano, de lima, magdalo, NBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.