Bagyong Lawin, bumilis; mga lugar na nasa ilalim ng signal #1, nadagdagan pa
Bahagyang bumilis ang bagyong Lawin habang ito ay kumikilos papalapit sa Northern Luzon.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Lawin sa 950 kilometer East ng Daet, Camarines Norte.
Napanatili nito ang taglay ng lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometers kada oras, pero ayon sa PAGASA, bago ang pag-landfall ng bagyo sa Cagayan sa Huwebes ng umaga ay lalakas pa ito.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers kada oras sa direksyong West Northwest.
Sa ngayon, nakataas na ang public storm warning signal number 1 sa Cagayan kabilang ang Calayan group of islands, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Northern Aurora, Polillo Islands at Catanduanes.
Ayon sa PAGASA, delikado ang maglayag sa northern at western seaboards ng northern Luzon, gayundin sa western seaboard ng Central Luzon at eastern seaboard ng Samar.
Sa Biyernes ng umaga ay inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.