
Posibleng magtaas ng hanggang public storm warning signal number 4 ang PAGASA bukas sa mga lalawigan na maaapektuhan ng bagyong Lawin.
Ayon sa PAGASA, bukas ng gabi, posibleng itaas nila ang signal number 4 sa Cagayan kabilang ang Calayan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.
Nagbabala din ang PAGASA ng storm surges sa baybayin ng Cagayan na posibleng umabot sa hanggang limang metro ang taas.
Sa pagtaya ng weather bureau, tatama ang bagyong Lawin sa kalupaan ng Cagayan sa Huwebes.
Inaasahan din ang patuloy nitong paglakas bago pa mag-landfall.
READ NEXT

Mga tagasuporta ni dating Pangulong Marcos, nagtitipun-tipon pa din sa harap ng Korte Suprema
MOST READ
LATEST STORIES