Mar, may napipisil ng VP candidate

Mar-Roxas-0526May napipisil na si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na running mate sa 2016 Elections. Ito ang sinabi ni Rep. Edgar Erice sa panayam ng Radyo Inquirer.

Ani Erice, ngayong pormal na ang endorsement ni Pangulong Aquino ay binigyan na rin Ito ng freehand kung sino ang inaakala niyang makakatulong sa kanya sa pagpapatuloy ng pamamahala ng Daang Matuwid.

Ayon sa kongresista, “May free-hand na si Sec. Mar pero nasa sa kanya na ang announcement tungkol dito, ang importante, na-endorso na siya ng pangulo”.

Sinabi din ni Erice na maging sa senatorial slate ay may napipisil na rin si Roxas ngunit hindi pa buo ang listahan. Ngayon pa Lang kikilos ng husto si Roxas ani Erice.

Isa sa mga pagtutuunan na ng pansin ni Roxas at ng Liberal Party ay ang pagpapakilala kung sino talaga si Roxas, ano ang kanyang nagawa at kung ano ang gagawin pa. “Hindi siya nagkaroon ng panahon para sa kanyang sarili, ngayon pa lan siya magpapakilala at ngayon pa lang paplanuhin ang kanyang plataporma ng kampanya, ” ani Erice.

Nangangahulugan ito ani Erice na hindi umano nagamit ni Roxas ang kanyang posisyon sa gabinete para maisulong ang anumang balak sa pulitika. Puro trabaho ang inasikaso ni Roxas, pagmamalaki pa ni Erice. / Gina Salcedo

Read more...