2 taong gulang na bata, sugatan matapos aksidenteng tamaan ng pinaglalaruang baril

By Chona Yu October 18, 2016 - 09:57 AM

Kuha ni Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Sugatan ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos aksidente niyang mabaril ang sarili habang pinaglalaruan ang pen gun ng kanyang kapatid sa bahagi ng Josefina St., 4th Avenue sa Barangay 117, Caloocan City.

Isinugod na sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si John Rey Perdes.

Ayon sa ina ng biktima na si Jocelyn, pag-aari ng nakatatandang anak niya na si Gerald ang pen gun na pinaglaruan ng bata.

Nagulat na lamang umano sila nang makarinig ng putok ng baril at nakitang sugatan na sa ilong ang dalawang taong gulang na anak.

Ayon naman kay Gerald, kaibigan niya ang totoong may-ari ng baril at ipinatago lamang ito sa kaniya.

Sa katunayan, pinagsabihan pa umano niya ang nakababatang kapatid na huwag paglaruan ang pen gun dahil kargado ito ng bala.

Sising-sisi naman at iyak ng iyak si Gerald bunsod ng sinapit ng nakababatang kapatid.

 

TAGS: 2 year old boy injured after playing with brother's pen gun, 2 year old boy injured after playing with brother's pen gun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.