Class suspension ngayong araw, Oct. 18, 2016
Dahil sa malakas na bagyong Lawin, nagsuspinde na ng mga klase sa ilang lugar sa Luzon.
As of 6:45 ng umaga ng Martes, October 18, walang pasok sa mga sumusunod na lugar:
ALL LEVELS
– Quirino Province
– Isabela Province
– Cauayan City
– Ilagan City
– Santiago City
Sa mga lugar na nakataas ang public storm warning signal number 1 ay iiral naman ang automatic suspension batay sa guidelines ng Department of Education (DepEd).
Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, nakataas na ang signal number 1 sa Cagayan, Isabela, Catanduanes at Northern Aurora dahil sa bagyong Lawin na patuloy sa paglakas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.