San Benito, Surigao del Norte, at Liloan, Cebu niyanig ng lindol
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng San Benito sa Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 5:45 ng umaga ngayong Martes sa 4 kilometers East ng bayan ng San Benito.
May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Dahil sa nasabing lindol, naitala ng Phivolcs ang intensity 2 sa Surigao City.
Samantala, bago ang nasabing lindol sa Surigao del Norte, niyanig din ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Liloan sa Cebu.
Naganap ang pagyanig sa 15 kilometers east ng bayan ng Liloan kaninang alas 5:02 ng umaga na unang itinala ng Phivolcs sa magnitude 3.1 pero makalipas ang anim na oras ay itinaas sa 3.8 ang magnitude nito.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang intensity 3 sa Liloan, Lapu-Laput City, Mandaue City, Cebu City at sa Consolacion, Cebu.
Habang Intensity 2 naman ang naitala sa Talisay City, Cebu.
May lalim na 3 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Alas 4:20 naman ng umaga, naitala din ang magnitude 3.7 na lindol sa Basay, Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs, wala namang naitalang intensity bunsod ng nasabing pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.