Malawakang Iraqi military operation, inilunsad  kontra ISIS sa Mosul

By Jay Dones October 18, 2016 - 03:59 AM

 

isis mosulNagsimula na ang malakihang opensiba ng puwersa ng Iraq sa bayan ng Mosul upang bawiin ito sa kamay ng Islamic State o ISIS at mailigtas ang hindi bababa sa isang milyong sibilyan na naiipit sa naturang lungsod.

Hindi bababa sa 30,000 sundalong Iraqi ang kasali sa military operation na suportado ng US-led coalition.

Nasa dalawang taon nang hawak ng puwersa ng Islamic State ang Mosul at maraming mga sibilyan kabilang na ang daan libong mga kabataan ang hindi makaalis sa pangambang sila ay patayin ng mga ito.

Daan-daang mga sasakyang pang-militar ang patuloy na pumapasok sa stronghold ng ISIS na sinusuportahan naman ng air stirkes mula sa US-led coalition.

Sa isang televised address, sinabi ni Iraqi Prime Minister Haider Al-Abadi na ang pagbawi sa Mosul ang magiging isa sa pinakamatinding labanan na mangyayari simula nang umalis sa kanilang bansa ang puwersa ng Amerika may limang taon na ang nakalilipas.

Tinatayang nasa 8,000 mga armadong kasapi ng ISIS ang nananatili sa loob ng Mosul.

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]