State of calamity, idineklara sa Cebu dahil sa 5,000 kaso ng dengue

By Kabie Aenlle October 18, 2016 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Isinailalim sa state of calamity ang buong lalawiganng Cebu dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue na lumampas na sa 5,000 mula Enero.

Inaprubahan na ng Cebu Provincial Board ang nasabing resolusyon bagaman wala pa itong kaakibat na rekomendasyon mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Provincial Board Member Christopher Baricuatro, sa nasabing deklarasyon ng state of calamity, magagamit nila agad ang pondo upang mapigilan o makontrol na ang pagkalat ng naturang sakit.

Iginiit rin ng Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang deklarasyon nito, matapos i-ulat ng Provincial Health Office (PHO) ang biglaan o “dramatic” na pag-taas ng bilang ng mga kaso mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Noong nakalipas na linggo lamang ay pumalo na sa 5,821 ang bilang ng mga kaso, na pinakamataas nang naitalang bilang sa lalawigan.

Hindi pa kasama rito ang mga pasyente na nasa mga pribadong ospital dahil may access lamang ang PHO sa mga pampublikong ospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.