Ai-Ai Delas Alas, tatanggap ng Papal Award

By Kabie Aenlle, Len Montaño October 18, 2016 - 04:00 AM

 

Mula sa Bandera

Makakatanggap ng Pro Ecclesia et Pontificeo For the Church and Pope medal ang aktres at komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas.

Ang nasabing medalya ang itinuturing na pinakamataas na award na ibinibigay ng Santo Papa sa ‘lay people’ o mga ordinaryong tao.

Humbled at honored naman si Ai-Ai na mapabilang sa mga napili para maging Papal Awardee.

Hindi inasahan ng Marian devotee na si Ai-Ai ang pagkilala mula kay Pope Francis, pero marahil aniya ay nais siyang maging instrumento ng Diyos sa pagtulong sa kapwa.

Aniya, bagaman hindi niya alam kung talagang karapat-dapat siya na tumanggap ng ganitong pagkilala, susunod lang siya dahil ito ang plano sa kaniya ng Panginoon.

Mismong si Most Reverend Bishop Antonio Tobias ang nagkumpirma sa pagiging Papal Awardee ni Ai-Ai dahil sa natatanging serbisyo nito sa Simbahang Katolika.

Sa ngayon ay nagpapatayo si Ai-Ai ng Kristong Hari Church sa Commonwealth Aveue sa Quezon City.

Bukod kay Ai-Ai, ang isa pang Pilipinong nabigyan ng nasabing award ay ang tanyag na musical composer na si Ryan Cayabyab.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.