High profile inmates, naibalik na sa Bilibid

August 01, 2015 - 12:54 PM

Bilibid
Inquirer file

Naibalik na ang 17 high-profile inmates sa Maximum security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City mula sa detention cell ng National Bureau Of Investigation (NBI).

Pasado alas-kwatro ng umaga kanina nang ibalik ang mga bilanggo at sa bilis ng byahe makalipas lamang ang halos ay isang oras ay dumating na ang mga ito sa NBP.

Ang tinaguriang “Bilibid 19” ay dinala sa bagong renovate na Building 14 sa loob ng nasabing Jail Facility.

Labing-pito na lamang ang ibinalik sa Bilibid makaraang mamatay ang convicted drug lord na si George Sy noong July 1 dahil sa colon cancer habang ang isa pang inmate na si Luna Agojo ay naka-confine sa Philippine General Hospital dahil sa stroke.

Bago dalhin sa building 14, isinailalim muna sa mandatory medical check-up ang labing-pitong preso. Magugunitang ang naturang mga high risk inmates ay dinala sa NBI makaraang mahulihan ng mga high tech gadgets, mga armas, mga LED TV at iba pang kagamitan na ipinagbabawal sa kulungan. / Jimmy Tamayo

TAGS: bilibid 19, NBI, NBP, bilibid 19, NBI, NBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.