Imbitasyon ng Malacañang sa EJK probe hindi pinapansin ng U.N

Abella
Inquirer file photo

Wala pang tugon si United Nations special rapporteur Agnes Collamard sa naging imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing imbestigasyon ng human rights group ukol sa nagaganap na patayan sa bansa bunsod ng pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hanggang ngayon ay wala pang natatanggap na sagot ang Malacañang mula sa kampo ni Callamard.

Sa ngayon, wala pang ideya si Abella kung nakapagpadala na ang Malacañang ng kahalintulad na imbitasyon kay U.S President Barack Obama at sa European Union.

Una rito, hayagan ang pag-imbitia ng pangulo sa U.N, E.U at kay Obama na magtungo sa bansa para mag imbestiga sa nagaganap na patayan.

Nauna nang inulin ng puna ang pangulo dahil sa umano’y mga kaso ng extra judicial killings nang magsimula ang kanyang termino noong July 1.

Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Brunei, inamin ng pangulo ang mga kaso ng pagpatay sa mga suspected drug personalities pero kanyang nilinaw na walang siyang utos na gawin ang mga ito at hindi dapat ibintang sa gobyerno ang mga kaso ng extra judicial killings.

Read more...