14 patay, maraming iba pa nawawala sa lumubog na barko sa Myanmar

By Mariel Cruz October 17, 2016 - 04:47 PM

Myanmar
Inquirer file photo

Nasawi ang labing apat na katao habang mahigit walumpu ang nawawala makaraang lumubog ang isang barko sa Yangon, Myanmar.

Ayon kay Sa Willy Frank, head ng regional relief department, aabot sa isandaan at limampung indibiduwal na ang kanilang nailigtas sa lumubog na barko sa Chindwin River.

Natagpuan na aniya nila ang eksaktong lokasyon ng lumubog na barko at ngayon ay sinusubukan na nila itong hilahin papunta sa ibabaw ng dagat gamit ang heavy-duty cranes.

Sinabi rin ni Frank na nasa walumpu’t lima pang indibiduwal ang nawawala pero posibleng madagdagan pa ito.

Nabatid na overloaded ang barko kung saan aabot sa tatlong daan katao ang sakay nito na mas mataas pa sa opisyal na kapasidad na isandaan at dalawampu.

Patungo ang naturang barko sa Monywa mula sa Homalin nang lumbog ito, madaling araw ng Sabado.

TAGS: myanmar, ship, myanmar, ship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.