Mga oil companies may dagdag presyo na naman bukas ng umaga
Magtataas na naman ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis umpisa bukas ng umaga.
Magpapatupad ang Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Seaoil at Shell ng 45-centavos na price hike sa gasolina, 60-centavos sa diesel at 55 sentimo sa kerosene o gaas epektibo alas-sais ng umaga bukas.
Kaparehong pagtataas din ang ipapatupad ng Flying V na magsisimula naman alas-dose uno ng madaling araw.
Sinasabing ang pagtataas ay may kaugnayan sa panibagong pag-galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Noong isang linggo lamang ay nagpatupad ng bigtime price hike sa presyo ng mga petroleum products ang mga oil companies.
Sinabi naman ng Department of Energy na patuloy silang nagmomonitor sa presyo ng mga producktong petrolyo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.