NDRRMC handa na sa pagdating ng bagyong “Lawin”

Haima
Pagasa

Nagsagawa ng pre-disaster risk reduction meeting ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa bagyong Haima na tatawaging “Lawin” kapag nakapasok na sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, bagama’t sa Huwebes pa direktang makaapekto ang bagyong Lawin ay mayroon na umanong inilatag na mga paghahanda ang pamahalaan.

May mga naka-preposition na aniyang relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) maging ang mga local government units.

Paalala ni Jalad, maging handa sa bagyong Lawin dahil sa inaasahang mas malakas ito kaysa sa nagdaang bagyong Karen.

Base sa latest forecast ng Pagasa, nakaipon ng sapat na lakas ang bagyong Lawin dahil dumaan pa ito sa karagatan.

Read more...