“No window hour” policy ng MMDA pinalawig hanggang 8PM

By Den Macaranas October 17, 2016 - 02:45 PM

traffic2
Inquirer file photo

Kasabay ng unang araw ng pagpapatupad ng “no window hour” policy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa number coding scheme ay ang extention nito hanggang alas-otso ng gabi.

Sinabi ni MMDA General Manager at OIC Chairman Thomas Orbos na pinagtibay ng Metro Manila Council ang pagpapalawig sa pagpapatupad ng number coding sa buong Metro Manila.

Nangangahulugan ito na mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-otso ng gabi ang pagpapatupad ng number coding scheme.

Ang Metro Manila Council ang siyang policy making body ng MMDA na binubuo ng mga alkalde ng iba’t ibang mga lungsod sa Natinal Capital Region.

Isinama na rin sa listahan ng mga lugar na sakop ng mas pinalawaig na color coding scheme ang Alabang-Zapote Road at Roxas Boulevard.

Kabilang din dito ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • EDSA
  • C-5 Road from SLEX up to the intersection of Commonwealth Avenue and Luzon Flyover
  • Roxas Boulevard
  • Alabang-Zapote Road
  • Mandaluyong City
  • Makati City
  • Las Piñas City.

Ang no-window hour policy ay magtatagal hanggang sa January 31, 2017.

TAGS: edsa, mmda, no window hour, orbos, edsa, mmda, no window hour, orbos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.