P35,000 bonus sa natatanging government employees, aprubado na

August 01, 2015 - 10:56 AM

Florencio-Abad-0103Nilagdaan na ni Budget Sec. Butch Abad ang Memorandum Circular No. 2014-4 na naglalayong bigyan ng P35,000 na special bonus ang mga natatanging empleyado ng pamahalaan.

Ayon kay Abad, “ang special bonus na ito ay pagpapakita na binibigyan ng pagkilala ng gobyerno ang mga karapat-dapat at mga masisipag na kawani ng pamahalaan”.

Ang nasabing programa ay bahagi ng Inter-Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting System na nagbibigay ng pagkilala sa mga department secretaries, agency heads at mga regular na empleyado ng gobyerno na entitled sa P35,000 na Performance-Based Bonus (PBB).

Nilinaw ni Abad na tanging mga sangay o ahensya lamang ng pamahalaan na naka-abot sa kanilang overall target para sa kasalukuyang taon ang makata-tanggap ng PBB base sa nilalaman ng Performance-Based Incentive System for Government Personnel sa ilalim ng Executive Order No. 80 na nilagadaan noong 2012.

Ipinaliwanag din ng kalihim na magiging mahigpit ang Budget Department sa performance check ng mga pangalan ng mga tauhan ng pamahalaan na tatanggap ng naturang dagdag na benepisyo.

Idinagdag din ni Abad na kaagad na ipamimigay ang naturang bonus kapag naisa-ayos na ng mga concerned government agencies ang mga requirements na nakapaloob sa E.O No. 80. / Den Macaranas

TAGS: Bonus, DBM, PBB, Bonus, DBM, PBB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.