Sen. Sherwin Gatchalian, naghain ng not guilty plea sa kasong kinakaharap sa Sandiganbayan

By Erwin Aguilon October 17, 2016 - 11:56 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan 4th Division si Senator Sherwin Gatchalian kaugnay sa kinakaharap niyang kasong katiwalian, malversation, at paglabag sa manual regulation for banks.

Ito ay kaugnay sa pagbili ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa ilalim ng pamumuno noon ni Cong. Prospero Pichay sa Express Savings Bank, Inc. (ESBI) na kabilang ang pamilya Gatchalian sa nagmamay-ari.

Isinagawa na ang arraignment kay Gatchalian dahil sa nakatakda nitong pag-alis sa bansa bukas hanggang sa October 22 patungong China.

Kasama si Gatchalian sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa trade mission ng pangulo sa nasabing bansa.

Kasunod nito, pinayagan naman ng mga mahistrado ng Sandiganbayan si Gatchalian na makalabas ng bansa.

Inatasan lamang itong maglagak ng P270,000 na bond para sa gagawin niyang pagbiyahe.

 

 

 

 

TAGS: Senator Gatchalian pleads not guilty on Sandiganbayan arraignment, Senator Gatchalian pleads not guilty on Sandiganbayan arraignment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.