Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 1,265 km East ng Visayas.
Nasa labas pa ito ng bansa pero ngayong hapon ay nakatakda na itong pumasok ng PAR.
Lumakas pa lalo ang Typhoon Haima at ngayon ay taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 150 kph at pagbugsong aabot sa 185 kph.
Bumilis din ang bagyo at kumikilos na sa 22 kph sa direksyong West Northwest
Una nang sinabi ng PAGASA na sa sandaling pumasok sa bansa ay hindi pa agad mararamdaman ang epekto ng nasabing bagyo.
Gayunman, sa Huwebes ay mararamdaman na ang epekto nito sa extreme Northern Luzon.
READ NEXT
Pulis na wanted sa pagpatay sa isang Chinese noong 2005, iniharap sa media matapos madakip sa Thailand
MOST READ
LATEST STORIES