Bagyong Lawin lumakas pa habang papalapit ng bansa
Lalo pang lumakas ang bagyong Lawin na may international name na Haima.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 1,265 km East ng Visayas.
Nasa labas pa ito ng bansa pero ngayong hapon ay nakatakda na itong pumasok ng PAR.
Lumakas pa lalo ang Typhoon Haima at ngayon ay taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 150 kph at pagbugsong aabot sa 185 kph.
Bumilis din ang bagyo at kumikilos na sa 22 kph sa direksyong West Northwest
Una nang sinabi ng PAGASA na sa sandaling pumasok sa bansa ay hindi pa agad mararamdaman ang epekto ng nasabing bagyo.
Gayunman, sa Huwebes ay mararamdaman na ang epekto nito sa extreme Northern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.