Pulis na wanted sa pagpatay sa isang Chinese noong 2005, iniharap sa media matapos madakip sa Thailand
Ipinrisinta sa media ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang isa sa mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa isang Chinese national sa Quezon City noong taong 2005.
Ang suspek ay dating pulis na kinilalang si PO2 Alexander Pangilinan at umano’y miyembro ng “Dose Pares Gang”.
Naaresto ng Royal Thai Police si Pangilinan sa Koh Samui, Suratthan noong October 13 dahil sa paglabag sa immigration laws ng bansa.
Natyempo naman sa pagtungo doon ni Dela Rosa para dumalo bilang panauhin sa anibersaryo ng Royal Thai Police.
Dahil dito, mismong si Dela Rosa ang nag-uwi kay Pangilinan sa bansa.
Si Pangilinan ay nagtrabaho bilang manager sa isang resort sa Thailand at halos sampung taon na itong nagtatago.
Bilang dating pulis, nakatalaga si Pangilinan sa Office of the Businessman’s Concern (OBC) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Naitalaga rin sya sa Pasig City Police bago nailipat sa District Mobile Force (DMF) Eastern Police District.
Ayon kay Dela Rosa, may standing warrant of arrest si Pangilinan dahil sa kasong kidnapping for ransom with homicide at may reward na P250,000 dahil sa pagpatay sa Chinese national na si Michael Chan sa Katipunan Road Quezon City noong Setyembre taong 2005.
Watch: Puganteng pulis na suspek sa pagpatay sa Chinese natl noong 2005, arestado sa Thailand @dzIQ990 pic.twitter.com/IPLOSJAIQ2
— ruel perez (@iamruelperez) October 17, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.