Nagbabala ang Abu Sayyaf Group (ASG) na may hawak silang ilang indibiduwal papatayin nila ang isa nilang hawak na bihag.
Bihag ng ASG ang dalawang (2) tauhan ng Philippine Coast Guard at isang (1) barangay chairman na dinukot sa Zamboanga del Norte at dinala sa Indanan, Sulu.
May petsang Ibinigay ang ASG sa babala na nakaabot na sa militar sa Sulu. Ayon sa babala, papatayin nila ang isa sa kanilang mga bihag ganap na alas nuwebe ng umaga (9:00 a.m.) sa Linggo, Agosto 9, kung hindi mababayaran ang ransom na kanilang hinihingi upang mapalaya ang mga ito.
Ang babala ay makikita sa isang video sa Facebook na in-upload ng ASG ngayong araw na ito, Sabado, Agosto a-uno.
Sa tatlong minuto at labingdalawang segundong (3:12) video, makikita ang sampung (10) naka-maskarang lalaki na may bitbit na high-powered firearms Ang dating isang milyong pisong (P1 million) ransom ay itinaas sa isandaan at limampung milyong piso (P150 million) dahil umano nagalit ang ASG sa pagkamatay ng kanilang sub-leader na si Mahmour Jupuri.
Si Jupuri ang logistics officer ng ASG na napatay ng militar noong Hulyo disisais (Hulyo16) sa labas ng kanyang tahannan sa Timbangan, Indanan, Sulu.
Ayon sa intelligence reports, namatay si Jupuri dahil trinaydor umano ito ng kasamahang sub-leader na si Amah Maas dahil sa isang matagal ng alitang namamagitan sa kanila.
Ang pagkamatay ni Jupuri ay lalo umanong nagdulot ng pagkawatak-watak sa hanay ng ASG, lalo na umano ngayon na hindi nila matukoy kung saan itinago ni Jupuri ang mga bala na nasa kanyang pangangalaga bilang supply officer ng grupo. / Josephine Jaron Codilla, Gina Salcedo