Bagyong Karen, nakalabas na ng bansa; pero bagyong Lawin, papasok na ng PAR

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2016 - 06:13 AM

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Karen matapos manalasa sa Bicol Region at iba pang bahagi ng Luzon.

Sa ngayon ang bagyong Karen na ang international name ay Sarika, ay huling namataan sa 565 kilometers West ng Dagupan City na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Malakas pa rin ang nasabing bagyo na taglay ang lakay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 200 kilometers kada oras.

Ayon sa PAGASA, sa direksyon ng China ang tinutumbok ng bagyo.

Samantala, ang bagyong “Haima” naman ay huling namataan sa 1,430 kilometers East ng Visayas.

Nakatakda itong pumasok sa bansa ngayong hapon at papangalanang Karen.

Isa na itong Typhoon at may taglay na lakas ng hangin na 130 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 160 kilometers kada oras.

West Northwest ang direksyon ng bagyo at kumikilos sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, sa Huwebes mararamdaman ang epekto ng bagyong Lawin sa Northern Luzon partikular sa lalawigan ng Cagayan.

 

 

 

TAGS: Update on Typhoon Karen and Typhoon Lawin, Update on Typhoon Karen and Typhoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.