‘Ang atin ay sa atin’ – Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle October 17, 2016 - 05:50 AM

duterte drugs1Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak ipagpalit sa kahit ano ang teritoryo ng Pilipinas, oras na dumating at makipagusap na siya sa China.

Ayon kay Pangulong Duterte, paninindigan niya at patuloy niyang igigiit kung ano ang pag-aari ng Pilipinas.

Bago siya umalis ng bansa, tiniyak pa ni Duterte na magiging maingat siya na wala siyang maiba-bargain kapalit ng kahit ano.

Aniya pa, alinsunod sa Saligang Batas ay wala rin naman siyang karapatan o kapangyarihan na ipamigay ang anumang teritoryo ng bansa.

Gayunman, binanggit rin ng pangulo na bagaman tatalakayin sa kaniyang pag-bisita sa China ang desisyon ng arbitral tribunal kaugnay sa teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea, wala aniyang mangyayaring “hard impositions.”

Aniya, maari niyang i-paraphrase ang naging desisyon ng arbitral tribunal, kasabay ng pagtatalaga ng mga limitasyon sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Nakatakdang tumungo sa China si Duterte bukas, pagkatapos ng kaniyang state visit sa Brunei.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.