Duterte, handang magpakulong para sa mga Pilipino

By Kabie Aenlle October 17, 2016 - 05:35 AM

duterte pafMuling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga kritiko na hindi uubra ang mga pagbabanta ng mga ito sa kaniyang hangarin para sa bansa.

Sa kaniyang pagharap sa mga Pilipino sa Brunei bilang bahagi ng kaniyang state visit, sinabi ng pangulo na hanga siyang mabulok sa kulungan para sa taumbayan.

Binigyang linaw rin ni Pangulong Duterte sa nasabing pahayag na hindi utos ng pamahalaan ang nangyayaring mga patayan.

Kalokohan aniya ang sinasabi ng mga kritiko na state-ordered ang mga pagpatay, at na walang anumang nakasaad sa batas na nagsasabing hindi niya maaring bantaan o takutin ang mga kriminal.

Kaya rin aniya siya napapamura sa mga human rights advocates ay dahil napapagod o naiinis na siya sa kamangmangan ng mga ito na hindi alam ang batas.

Matatandaang kamakailan, bukod sa European Union, United Nations at United States, pinuna na rin ng International Criminal Court (ICC) ang paglaganap umano ng extrajudicial killings sa Pilipinas at sinabing imo-monitor na nila ang mga kasong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.